Alam niyo bang sobrang naiinis ako? Tama bang gawing dahilan ang Pasko para gumastos ng malaki at pinagkagastusan lang naman pala ay isang malaking “Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon” na banner. Or ‘yung bago daw sa lugar ni Bayani Fernando, yung malaking mukha niya ng asawa niya sa katawan ng sirena at “sireno?”. Magkano kaya ang nagastos nila dun? Malamang malaki laki din yun. Nakakainis!
Pasko, tuwing Pasko lang ba dapat nagbibigayan? Nagmamahalan? Hindi. Kasi kung tuwing Pasko lang magaganap ang mga nabanggit ko. Kaplastikan ang tawag dun, kaibigan. Isang malaking kaTOKWAHAN!!!!! [para sa mga nakaka-alam ng tokwa, sige lang, isiwalat niyo ang katumbas na mura niyan.]
Ipokrita ako kung sasabihin kong nagdodonate ako taon taon dahil gusto ko, dahil ang katotohanan niyan, noong highschool ako, nagdodonate lang ako kasi kinakailangan, inoobliga kaming mga estudyante ng eskwelahan namin para magdonate ng mga bagay bagay na may pakinabang pa. Damit, de lata, libro at cash donations. Pero noong 4th year highschool ako, tsaka lang ako nabigwasan ng katotohanan. Mapalad ako, sila hindi kasing palad ko, pero hindi nila kailangan ng awa. Kailangan nila ng lakas ng loob at kaunting tulong. Tulong kung saan maaari na silang magsimula ng panibagong buhay. Tulong na hanggang kamay lamang, hindi tulong ng buong braso, kung naiintindihan mo ako.
—
Huwag gawing dahilan ang Pasko para magpabango ng pangalan. nakakainis!! Sobra!!
–
Hindi kailangan ng bayan ang awa at limos mo. Ang kailangan ng bayan ay lakas ng loob.Ang kailangan ng bayan ay katapatan sa trabaho at position na ibinigay ng bayan sa isang minsan ay walang pangalan.
Simbang Gabi. Alam niyo ba ‘yun? Haha. I actually just got home from the church. The same gospel. Every year. 2nd night is always Christ’s geneology. David and so on. Pero hindi naman ‘yung gospels ang gusto kong pag-usapan, kundi ‘yung mga tao at mga ginagawa nila at kung bakit sila nagsisimba.
Nagsimula akong umattend ng simbang gabi kasama ang mga barkada ko noong 10 years old ako. At matapos ang 7 taon ng pagmamatiyag sa mga tao naroon, may isa akong napansin. Tambay ang karamihang teens sa simbahan, nag-uusap, nagdedate. At nagawa ko na rin ‘yun. Nakakahiya man aminin. Pero totoo. Nagawa ko na nga. Madalas nga kaming pagalitan ng mga tita ko na nasa misa rin. Nakakahiya. Haha. Pero natatawa na lang ako ngayon. Ano ba naman pinaggagagawa ko noon, db? Pero tapos na ko sa ganun.
Nagdedate. Grabe! Hindi ko ma-imagine na nagawa ko ‘yun. Hindi nakakatuwa. Isang kasalanan na sana hindi ko na lang ginawa. Dala nga naman ng kamang-mangan ng kabataan, pati simbahan hindi pinatawad, binastos pa. Mumurahin talaga ko ni Rizal ng malutong nito ei. Darn! Nakakatakot. Nagsimba ng lasing, ng amoy yosi, galing sa party. Sigh. Stupid me.
Naniniwala ka ba na pag nakumpleto mo ‘yung misa de gallo, matutupad ung wish mo? Haha, dati, naniniwala ako. Ngayon, ndi na! Haha! Lam mo ‘yun? 17 na ko ei! Maniniwala pa ba ko sa ganun? Eh, panulak lang ‘yun ng matatanda sa mga bata para magsimba naman kahit paano eh, db? Haha.
Magsimba, hindi dahil sa gantimpala ng katuparan ng hiling, kundi dahil bukal sa kalooban ang pagtanggap sa salita ng Diyos.
Hindi ako banal. At lalong hindi ako nagbabanal-banalan. Nais ko lang manulak din.
Isipin mong isa kang balik-bayan, umuwi ka sa iyong sariling tahanan, malamang yun! Ala namang umuwi ka sa bahay ng iba db? AHEM! Balik tayo sa kinikwento ko, haha! Pero pagdating mo sa bahay mo, nandun ang mother-in-law mo, may mild alzheimer, sa kwarto niyo siyang mag-asawa natutulog. Inaangkin na ang kwarto niyo, ang mga pangalan ng 4 mong anak ay iba na, si Chloelen naging si Chiechie, si Cristianne naging si Charisse, si Carlo naging Boy at ang bunsong si Azra ay naging si Kurdapya(*haha!!*).At dahil sa kwarto niyo siyang mag-asawa natutulog, sa sala na lang kayo naglatag ng banig na mag-asawa at natutulog. Nakaka-asar ‘yun nuh? Haha!
Sa totoo niyan, iyan ang sitwasyon ng aking mga magulang, pero kahit ganun, masaya pa rin naman kami, kahit paano. Haha! Pero hindi iyan ang nais kong pag-usapan. Eto un oh!
Isa kang Pilipino, pero pakiramdam mo isa kang dayuhan sa sarili mong bayan. At wala ka ng narinig na balita kundi lahat ay tungkol sa pagbagsak ng ekonomiya ng iyong bayan at lahat ng kinabukasan ay parang nakasalalay sa United States. Puro na lang imported goods ang binibili ng mga kababayan mo, na narito naman sila sa bansa. Maganda ang gawang imported, Low quality ang gawang bayan mo. (*Low quality pala huh!! Kung sino man ang nagsasabi niyan, SASAMPALIN KO TONSIL MO KALIWA’T KANAN NG MATAUHAN KANG TOKWA KA!!*)
Iskwater ako sa sarili kong bayan. Hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang utak at pagkatao ko. Sa mga stereotyped na kaluluwa ng kabataan or sa mga yuppies ng mundo? Isang kalokohan na naman ng utak ko ang mga tanong ko, pansin mo? Haha. Pero pwera biro.
Isa akong patagong aktibista. Sa intarwebs lang nakikibaka. Ayoko sa kalsada ei. Pinahahalagahan ko pa buhay ko, ayoko pang i-abduct ng kasalukuyang rehimen or ng susunod pa. Nais ko pang magkapamilya at kung ano ano pa nuh!
Tutal wala na akong maisip pang idugtong dito, eto na lang. Magtatanong na lang ako.
ISKWATER KA RIN BA SA SARILI MONG BAYAN?
Sana nakuha niyo ang punto ng aking maikling istorya kanina. Na medyo nakakatawa sa part ko. Haha!
MAKINIG KA SA AMING MGA
SINASABI MGA SALITANG MULA SA
AMING MGA LABI TAYO NANG
GIBAIN PADER NA NAGHIHIWALAY
SA DAMDAMIN NG BAWAT ISA SA
AMI’Y SUMABAY SUMUNOD
MAGBUKLOD TUMUNOG PARANG
KULOG GUMALAW SUMIGAW
BUMUO NG ISANG BILOG NA DI
KAYANG PAGHIWALAYIN NG
ANO MANG MGA BAGAY SAMING
PAGKAKAISA’Y HAHADLANG HINDI
NILA KAYA TAYONG ITUMBA
KAPIT KAMAY SABAY SABAY SA
PAGTAWID SA TULAY SI NIYO
KAYANG PIGILAN AT LALONG
HINDI MABILANG KAPAG
NAGKASAMASAMA KAMI AY
NAGMIMISTULANG ALON SA TUBIG
O PUTIK NA DI PWEDENG MAPUNIT
SAMA SAMA SA KUNG ANUMANG
NAIS NAMING IGUHIT ANG AMING
PALAD NAG KALAT AWIT NA SINISIWALAT
SA BERSIKULONG ITO NA AKING ISINULAT
BRIDGE THE GAP SPREAD THE LOVE
LIGHT THE TORCH RAISE THE FLAG
ANG PAG IBIG AY LIWANAG
ANG LIWANAG AY PAG IBIG
BRIDGE THE GAP SPREAD THE LOVE
LIGHT THE TORCH RAISE THE FLAG
BAWAT BUTIL NG BUHANGIN NA DI
NIYO KAYANG BILANGAN HALIKA
BRIDGE THE GAP SPREAD THE LOVE
LIGHT THE TORCH RAISE THE FLAG
ANG PAG IBIG AY IALAY NATIN SA
ATING KAPATID
BRIDGE THE GAP SPREAD THE LOVE
LIGHT THE TORCH RAISE THE FLAG
I’M CALLING
ON EVERY HUMAN SOUL THAT IS
BREATHING FRIENDS AND FOES THOSE
WHO STILL HAVE DREAMS LET’S GET
TOGETHER AND MAKE THE FIRE
BIGGER CAPITALIZED IN THE POWER
AND THE STRENGTH WE’LL HAVE IN
NUMBERS SET ASIDE THE PRIDE THAT
MAKES US HATE OUR VERY OWN
BROTHERS SEE BEYOND THE COLORS
TO DISCRIMINATE ONLY LIMITS US
SO STOP YOUR POINTING OF FINGERS
WE ALL MAKE MISTAKES WE’VE BEEN
VICTIMS INSTEAD LETS FIX THIS
REBUILD THINGS WHERE WE HAD
FAILED ’cause IT’S NOT YET TOO LATE
TO BURY THE HATCHET LET’S NOT BE
DIVIDED RAISE AND WAVE THE FLAG
UP HIGH WHERE THE BLIND CAN SEE
ITS SPREAD THE LOVE AND REACH
OUT TO THE PEOPLE WHOM THEY
HAVE FORGOTTEN AND BELIEVE THAT
WE CAN MAKE IT HAVE FAITH JOIN
THE BATTLE THE CRUSADE AGAINST
THE SYSTEM REMEMBER THAT THE
BIGGER THE FIRE THE BIGGER THE
CHANCE WE CAN MAKE A DIFFERENCE
THIS IS URGENT TIME TO START IS
NOW AND NOT LATER OPEN YOUR EYES
AWAKEN
BRIDGE THE GAP SPREAD THE LOVE
LIGHT THE TORCH RAISE THE FLAG
ANG PAG IBIG AY LIWANAG
ANG LIWANAG AY PAG IBIG
BRIDGE THE GAP SPREAD THE LOVE
LIGHT THE TORCH RAISE THE FLAG
BAWAT BUTIL NG BUHANGIN NA DI
NIYO KAYANG BILANGAN HALIKA
BRIDGE THE GAP SPREAD THE LOVE
LIGHT THE TORCH RAISE THE FLAG
ANG PAG IBIG AY IALAY NATIN SA
ATING KAPATID
BRIDGE THE GAP SPREAD THE LOVE
LIGHT THE TORCH RAISE THE FLAG
UNITED WE STAND
DIVIDED WE FALL A NATION OF
PROCRASTINATORS AND DEBATERS
NEGATES US ALL A CALL FOR
ONENESS IN TIMES OF UNREST MIC
CHECK I’M LOOKING FOR A MIC TO
BLESS AS I ADDRESS THE PEOPLE
CREATED EQUAL YOU CAN’T
SHOW GOOD WITHOUT SHOWIN
EVIL THOUGHTS PREVAIL GUARD
YOUR HEART HOLD IT CAPTIVE
THE MOST DECEPTIVE IS SO
ATTRACTIVE JEALOUSY AND
ENVY SOLDIERS OF HATRED
DOUBLE BLADED SERRATED EDGES
BROKEN VOWS AND EMPTY
PLEDGE DRIVEN WEDGES MEANT
TO SEPARATE VIEWS A CULTURE
OF HATE IS IN THE FRONTPAGE
AND IN THE NEWS BATTERED
AND BRUISED IN AN ABUSIVE
SOCIETY A MEDIA CHECK THIS IS
A CALL FOR SOBRIETY SOME TRY
TO BE TOUGH SOME OF US TRY
TO BE SAINTS SOME TRY TO
BLUFF THEIR WAY OUT OF THE
GAME I CAME INTO THIS WORLD
WITH PURPOSE THE WORLD
DESERVE MUCH MORE THAN
SCRAP OUR SURPLUS SCRATCH THE
SURFACE DIG DEEP INSIDE THE
SOUL SPEAK THE TRUTH AND IT
SHALL BE TOLD WHAT YOU REAP
IS WHAT YOU SOW ’cause IN THE
END IT’S STILL ROCK AND ROLL
GRAB A HOLD ON THE MIC GRIP
TIGHT AND I SPIT POSITIVITY
FOR THE PIT HIT ME I SAID HIT ME
BRIDGE THE GAP SPREAD THE LOVE
LIGHT THE TORCH RAISE THE FLAG
ANG PAG IBIG AY LIWANAG
ANG LIWANAG AY PAG IBIG
BRIDGE THE GAP SPREAD THE LOVE
LIGHT THE TORCH RAISE THE FLAG
BAWAT BUTIL NG BUHANGIN NA DI
NIYO KAYANG BILANGAN HALIKA
BRIDGE THE GAP SPREAD THE LOVE
LIGHT THE TORCH RAISE THE FLAG
ANG PAG IBIG AY IALAY NATIN SA
ATING KAPATID
BRIDGE THE GAP SPREAD THE LOVE
LIGHT THE TORCH RAISE THE FLAG
ALAM MO DI KO LANG
MALAMAN KUNG BAKIT MAY
MGA TAONG KAILANGANG
MAG AWAY BAKIT DI NA LANG
MAGKAPIT KAMAY..
AT MAGPAKUMBABA SA IBA’Y
HUWAG MANDURA PILITING
HUWAG MANGUTSA WALA KA
NAMANG MAPAPALA MGA
SINASABI MO MGA SINASABI KO
PERO KUNG MAGKAKASABAY AY
TALAGANG MAGULO BAKIT DI
MO PAKINGGAN ANG IBA AY
PAGBIGAYAN KUNG LAHAT
NARIRINIG ITO’Y MAINTINDIHAN..
SAMA SAMANG SUMIGAW ISANG
BOSES TAYONG GUMALAW SA
INIT AY HINDI MAGINAW KAHIT
NA ANONG MANGYARE SA ATIN AY
WALA NG BIBITAW SAKIN AY MAKINIG
KAHIT PATAGILID HUWAG MAHIYA
NA SA IBA’Y BUMULI BAGO PA
WAKASAN ANG AWIT NA AMING
INIHATID KAHIT SA SINULID KAYA
MONG TUMAWID..
SA PAGKALABIT NG
GATILYO SUMABOG ANG UNANG
PUTOK ALAM NIYO NAMAN
MARAHIL KUNG BAKIT
NAGKAKAGANITO ANG
BAYAN NATIN ILANG DAANG TAON
NA INALIPIN MATA SA MATA
IPIN SA IPIN..
BRIDGE THE GAP SPREAD THE LOVE
LIGHT THE TORCH RAISE THE FLAG
ANG PAG IBIG AY LIWANAG
ANG LIWANAG AY PAG IBIG
BRIDGE THE GAP SPREAD THE LOVE
LIGHT THE TORCH RAISE THE FLAG
BAWAT BUTIL NG BUHANGIN NA DI
NIYO KAYANG BILANGAN HALIKA
BRIDGE THE GAP SPREAD THE LOVE
LIGHT THE TORCH RAISE THE FLAG
ANG PAG IBIG AY IALAY NATIN SA
ATING KAPATID
BRIDGE THE GAP SPREAD THE LOVE
LIGHT THE TORCH RAISE THE FLAG