Alam niyo bang sobrang naiinis ako? Tama bang gawing dahilan ang Pasko para gumastos ng malaki at pinagkagastusan lang naman pala ay isang malaking “Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon” na banner. Or ‘yung bago daw sa lugar ni Bayani Fernando, yung malaking mukha niya ng asawa niya sa katawan ng sirena at “sireno?”. Magkano kaya ang nagastos nila dun? Malamang malaki laki din yun. Nakakainis!
Pasko, tuwing Pasko lang ba dapat nagbibigayan? Nagmamahalan? Hindi. Kasi kung tuwing Pasko lang magaganap ang mga nabanggit ko. Kaplastikan ang tawag dun, kaibigan. Isang malaking kaTOKWAHAN!!!!! [para sa mga nakaka-alam ng tokwa, sige lang, isiwalat niyo ang katumbas na mura niyan.]
Ipokrita ako kung sasabihin kong nagdodonate ako taon taon dahil gusto ko, dahil ang katotohanan niyan, noong highschool ako, nagdodonate lang ako kasi kinakailangan, inoobliga kaming mga estudyante ng eskwelahan namin para magdonate ng mga bagay bagay na may pakinabang pa. Damit, de lata, libro at cash donations. Pero noong 4th year highschool ako, tsaka lang ako nabigwasan ng katotohanan. Mapalad ako, sila hindi kasing palad ko, pero hindi nila kailangan ng awa. Kailangan nila ng lakas ng loob at kaunting tulong. Tulong kung saan maaari na silang magsimula ng panibagong buhay. Tulong na hanggang kamay lamang, hindi tulong ng buong braso, kung naiintindihan mo ako.
—
Huwag gawing dahilan ang Pasko para magpabango ng pangalan. nakakainis!! Sobra!!
–
S.O.R.A.L Said:
on December 22, 2008 at 1:57 pm
damn true. i cant argue with that. kelangan ba tuwing pasko lang lalabas lahat ng “mababango” at “noble” na charity? ehrg.
Charity Season* « Son Of Rage And Love Said:
on December 22, 2008 at 2:51 pm
[...] Charity Season [...]