bata: kuya ang sarap naman nitong gatas(selecta sa tetra pack)
ako: yeah
(ninamnam ng bata)
bata: ngayon lang ako nakatikim nito eh. wala kasi kaming pambili.
(niyakap ang sobrang tetra pak)
bata: bibigay ko ito sa nanay ko para matikman niya rin
(at naantig ang aking puso. sana ikaw din, aking magiliw na mambabasa)
- Wishlist ko sa taong 2oo8, Jed Rendor
wishlist ni Jed noong 2008
- – -
Hindi ko maiwasang ma-antig sa part ng blog post na yan sa multiply ng aking kaibigan. Ika nga niya,
Sa halip na tayo ay mag-away o mag-pasaway, isipin natin na nakaangat tayo sa iba.
‘Yun lang naman ei, kung sa tingin niyo ei, angat kayo sa iba kahit papaano. Maraming naghihirap sa mundo, kung kami ngang 3 beses kumakain sa araw araw ay hirap sa pagbabudget, paano na lang kaya ‘yung 2 beses lang kumain sa araw araw? Ei, ‘yung isang kahid isang tuka?
Nakakalungkot isipin na sa halip na nagtutulungan, ei nagbabangasan pa ang karamihan. Away dito, away doon. Kay dumi na nga talaga ng mundo. Pera perang usapan. Ano nga ba naman ang tao kung walang pera? Teka, ano ba ang tao kung may pera siya? Kung hindi naman siya makatao tumuring ng iba? Wala rin siyang silbi kung tutuusin, hindi siya matatawag na tao.
- – -
Magulo ba ang blog post kong ito? Pagpsensiyahan niyo na huh. Sadyang gusto ko lang talaga may mailagay dito na nagustuhan ko.