Matagal tagal na rin simula noong huling beses na kumain ako ng balot. Haha! Itlog. Namiss ko tuloy bestfriend ko. Haha! Cholesterol lang ang inaalala ko sa balot. Pero, sabi nga ng matatanda, “Pampatigas ng tuhod ‘yan, kaya sige lang ang kain”. Haha! Tuhod nga lang ba ang napapatigas? Haha! Oh, pare, utak mo ayusin mo kung ayaw mong sampalin ko kaluluwa mo. Pero pwera biro.
Natuwa ako kanina noong pauwi na ko, dumaan kasi ‘yun jeep na sinasakyan namin ng sa school ko noong high school ako. Nakita kong kumakain ng balot ang isa sa mga guro ng batch namin, si Sir Clayton. Hehe. Isa siya sa mga paboritong science teacher ng batch namin. Chemistry ‘yung tinuturo niya noong 3rd year kami (malamang! pero hindi sa section namin). Substitute naman siya sa section namin as a physics teacher. Nakakatuwa nga’yung teacher namin na ‘yun, haha! Kwela kung kwela, pero alam naman namin kung kelan dapat manahimik at makinig. Hehe.
Noong nakita ko siya, naisip ko agad na “si Sir nagpapatibay ng tuhod, haha, pagtanda nga naman, pumupurol ang buto buto, haha.” Ang sama ng naisip ko nuh? Haha! Ipagpatawad naman. Haha, pero kung totoo man na nakakapagpatibay ito ng buto buto, aba! Hindi na ko magdadalawang isip na lumantak ng sandamukal na balot noh! haha! Tumatanda na kasi ako, haha, brittle na mga bones ko. Pero, pagkatapos ko kumain noon, malamang, mananakit batok ko.
- – - – - – - – -
In every creature or thing in this earth has something good in it, but not everything about that specific thing is entirely good, there’s a percentage of it being bad for yourself or the others.
- – - – - – - -