February 7, 2009.
Pumunta ako ng Eastwood, Libis dahil pinababalik kami ng mga kasama ko sa kompanya para mameet ang operations manager ng account na iha-handle namin. Simula sa gate ng subdivision namin, sumakay ako ng jeep patungong Baclaran. Nakakatamad ang biyahe, sinalampak ko sa tenga ko ang i-pod shuffle, full volume pa! Wala akong naririnig maliban sa musika na pinapatugtog ko. Habang binabaybay ng jeep ang kahabaan ng Auginaldo Boulevard na papalapit na sa toll gate, may isang babae ang nangharang. Syempre, kinailangan ni manong driver na huminto kundi masasagasaan niya ‘yung babae. Hinarang niya ito sa ilalim ng ambon, madungis, butas ang shorts, shining shimmering ang spaghetti strapped na suot, chipped ang manicure at pedicure. Sumakay lang siya, tahimik na umupo ng binigyan ng pwestong mauupuan. Sinusubukang ayusin ang buhok. Ang katabi niyang batang lalaki ay umurong ng konti, iniiwas ang puting damit sa balat ng babae. Sino nga ba naman ang hindi mapapailag kung ang katabi mo ay talagang marunigs, hindi ba? Hinaplos ng babae ang katabing bata at sinabing, “Anak, anak……” Nakangiti siya, punong puno ng pagmamahal ang haplos, namamasa ang mata. Umiwas ang bata. Ang iba ay tumatawa. Hindi ko magawang tumawa ng mga oras na ‘yun. Nagtataka ako. Bakit? Bakit nagkaganito siya? Na-alarma na ang ibang pasahero at sinabing pababain na siya sa kahabaan ng Coastal Road, sa delikadong Coastal Road na kung saan ang mga sasakyan ay walang habas ng kumakarera kahit sa gitna ng madulas na kalsada. Huminto sa tabi ang jeep, Sabi ni manong, “Pst! Baba ka na.” Pero walang narinig ang babae sapagkat humiga siya sa kaunting espasyo sa likod ng batang lalaking inaakalang anak niya. Pinabayaan na lang ni manong sapagkat hindi naman daw nananakit. Tama naman hindi ba? At habang patuloy ang iba sa pagbungisngis at sa pagkabahala, ako naman, nag-iisip. Anong nangyari at nagkaganito? Siguro sa hirap ng buhay. Nawalay siguro sa pamilya. Haha! Gawan ko daw ba ng kwento? Hindi ah! Nag-isip lang ako. Sa wakas, nakarating din ng Baclaran. Pagkarating doon, bumaba na ang lahat, at ang baliw ang naiwan sa jeep kasama ang driver, na kumaliwa sa isang kanto. At hindi ko na alam ang nangyari. Ang Baliw.
Pauwi na ko galing Eastwood. Sumakay ako ng MRT patungong Taft. Pagbaba ko ng Taft, naghanap ako ng bus patungong Indang o mga bus na dadaan ng Panapaan. Magkikita kasi kami ng boyfriend ko. May sumakay na isang lalaki. Tumabi sa akin, bitbit niya ang wala ng laman na takatak. Hindi ko namukaan. Lumingon ako, tinanaw ko ang mga taong nag-aabang sa Baclaran ng masasakyan, pati na rin ‘yung mga may bitbit na balde na may nakasabit na pagkain. Naisip ko, “Ang hirap naman niyan, ang sakit din malamang sa braso niyan, sa bigat ba naman nun eh!” Napaka talaga na utak ko. Masyadong pakialamera. Haha! Eh bakit ba? Eh sa wala akong magawa eh. Edi punain ko na lang mga nakikita ko? Papalag ka pa ba? Eh nagawa ko na. Mabalik tayo. May lalaking saumakay sa may intersection ng Coastal Road. Naka-tee na brown. May dalang mga pagkaing binebenta. May pinamimigay din siyang ginupit na papel. At eto ang nakalagay:
Dear Sir/Madam
Greetings of peace, I’m Vince, asking your help to please buy my Special Macapuno/Ube halayato support for the school expenses of my younger brother/sister and also for our daily financila needs.
The more you buy, the more you help to achieve my goal. Thanks…
PRICE: P12.00 1 pack, P20.00 2 packs.
Respectfully yours,
Vince Siton
Iyan ang eksaktong nakalagay. Sa katunayan, na sa akin parin ang maliit na papel na iyon. Ang hirap nga naman ng buhay noh? Lahat gagawin para sa mga pang-araw araw na pangangailangan. Buti na lang si Kuya Vince eh, sa hindi illegal na pamamaraan ang naisipang gawin. Ang Ube Vendor.
Bumaba na si Kuya Vince. Kuhaan na ng bayad. Napalingon ako sa tabi ko at nakita kong muli si Manong. Hawak-hawak ang wala na niyang lamang takatak, nag-abot siya ng eksaktong bayad. Bababa daw siya ng Talaba. Bigla kong naalala, nung Biyernes ng gabi, nakita ko rin si Manong. Sa Pasay. Nakatayo siya sa umaambong gabi. Dilaw at marumi ang suot. Sa hirap nga naman ng buhay, kahit magkasakit sa pagtatrabaho, ayos lang! Basta may makain. Kahit isang kilong bigas lang sa hapagkainan at asin ang iulam. At bumaba na nga si manong. Si Manong Takatak.
- – - – - – - – - – - – - -
Hindi ko na ikukwento ang sumunod na mga pangyayari ng magkita na kami ni boyfriend. Kasi nag-away kami. At iniwan niya ko sa likod ng bahay nila ng nag-iisa! Umiyak na lang ako. Wala naman akong magagawa eh, db? IYAK CHLOE, IYAK!!! Pero nagka-ayos din kami nung umuwi siya ng gabing iyon. Hindi kasi ako umalis sa kanila, nakatulog na lang ako sa kwarto niya kakaiyak at kakahintay. Hehe.
- – - – - – - – - – - -
Sa hirap nga naman ng buhay oh.