Noong Sabado, binigyan ako ng ninang ko ng 1000php bago siya bumalik ng Cebu. Naparito siya sa Manila para sa isang seminar. Hindi ko alam kung anong seminar ‘yung pinuntahan niya. Ayon nga, binigyan niya ko ng 1000php.
Sa parehong araw, lumabas din ako. Kasama ang kapatid kong bunso at ilang kaibigan. 1050php ang total ng dala kong pera. Nagpunta kami sa SM Bacoor. At eto lang naman ang pinagkagastusan ko noong Sabado:
- 20php na cotton candy
- 3 slices ng French Baker’s pizza na 56php (*which makes it 100+php*)
- 3 slices ng French toasted bread ng French Baker’s na 12php
‘Yan ang pinagkagastusan ko sa SM Bacoor. Pagkatapos nun, pumunta naman kami sa bahay ng isa kong bestfriend para bumisita at bumili ako ng isang malaking gallon ng Double Dutch Nestle ice cream which cost me 225php.
Kung susumahin mo ang nagastos ko para sa araw na iyon, nabawasan 550php ang 1050php ko. Bali, 500php na lang ang pera ko noong umuwi kami.
Ngayong araw na ito naman, napagdesisyonan ko na bumili ng pagkain na ilalaman sa ref namin. Pagkaing pwedeng baunin ng kapatid ko sa pagpasok niya sa paaralan. 500php. Magawa ko kayang bumili ng mga ilalaman ko sa ref? Tignan natin.
Bago umalis ng bahay, nagtext ako sa mama ko na pupunta ko ng SM Molino para bumili ng “something”. Kasama ang isa sa mga kababata ko, nilakad namin simula sa lugar namin hanggang sa nasabing mall. It took us about 20 minutes of walk para makarating sa SM Molino, pero ayos lang naman. Sanay na eh, haha!
Pagdating sa mall, dumerecho kami sa hypermarket ng mall. Dumampot ng maliit na basket. Lumakad ng kaunti at tumingin ng pwedeng ilagay na kailangan sa basket. Naalala ko na wala nga pala kaming beef sa ref. Kaya lakad kami ng kasama ko sa may beef section. Kumuha ng beef. Kung tutuusin, cake lang naman talaga ang gusto kong bilhin para sa kanila, pero, beef pa rin! Haha!
Pagkatapos namin este ko magbayad, bumaba kami papuntang Goldilocks. Hanap ng mura murang cake. Ang mamahal, tingin kami ng pizza, ganun din! Ang mahal! Bumalik na lang kami ng Goldilocks at bumili ng egg pie na 160.00php ata ‘yun. 100.00php natira sa 1000.00php ko sa loob lang ng dalawang araw.
Isipin mo, dati rati ang 1000.00 marami ng mabibili. Magagawa mo ng ipamper ang sarili mo, at makabili ng necessities mo. Pero hindi na ngayon, sa taas ng presyo ng mga bilihin, hindi ko na alam kung paano ko pagkakasyahin ang sahod ko. Baka mawala lang agad na parang bula iyon. whew!
- – - – - – - – - – - -
Todo higpit sa belt mga tao. Mahirap na talaga buhay ei!