Bakit? Ano? Saan? Paano? Ilang buwan na rin akong nagtatanong.
I’ve been very unconsolable.. They were trying to be nice, trying to help, trying to give me the comfort that I needed, but, I just can’t stop asking the same questions over and over again.
Bakit? Ano?
Bakit nagkaganito? Binigay ko lahat ng maibibigay ko, kahit mahirap kunin, dinala ko sa harap niya. Ginamit niya, saglit na katuwaan sa kanya. Titingin na lang ako sa makikita ko. Abuso. ‘Yun lang naman ‘yung ipinalit niya sa mga ginawa ko para sa kanya. Hindi naman dahil sa naghahanap ako ng kapalit sa mga binigay ko sa kanya. Aaminin ko, nung umpisa, panakip-butas lang siya, pero tumagal, akala ko totoo na, kasinungalingan din pala.
Ano bang ginawa ko para magkaganito lahat? May kulang pa ba? Nagkulang ba ko? Sabi nga ng mga kaibigan ko, sumobra na ko. Wala daw akong pagkukulang sa kanya. Sabi niya sorry, pero galing sa ilong apology niya, hindi ko matanggap ginawa niya. Sabi niya hindi ako nagkulang, totoo daw na sumobra ako. Ganoon ba ko kabait para i-overlook ko lahat ng kasinungalingan niya sa akin? Umpisa pa lang, alam ko ng may mangyayari sa likod ko. Inunahan ko na siya, sabi ko, gaguhin mo ko ng harapan. Hindi niya ginawa. Patalikod niya kong sinaksak, kung kelan seryoso na ko. Hindi na ko naglalaro. Ayoko ng maglaro. Nakakapagod kasi maglaro, paulit ulit lang mangyayari sa buhay ko kung maglalaro ako, pero…
Nasaktan lang ako ng higit pa sa inaakala ko. Sinaktan niya ko ng sobra sobra.
Sabi niya, “Akin na lang puso mo, para hindi ka na nasasaktan.“ Sinubukan kong maniwala. At tuluyan nga kong naniwala, at ngayon sobra kong nasasaktan. Sobra.. Saan ba ko nagkamali? Maliban sa pagkakabuo ng anak namin, saan ako nagkamali? Anong ginawa kong mali? Paano na toh? Paano ko magagawang ibigay sa anak ko ‘yung buong pamilya na dapat kikilalanin niya? Pinili niya babae niya, bahala na lang. Paano ko sisimulan ang buhay ko ulit? Saan ko sisimulan? Bahala na lang din.
Sorry na lang magagawa kong sabihin sa anak ko, hindi ko mabibigay ang kalahati ng pagkatao niya. Hindi niya makakasama gaya ng una kong inakala. Akala ko lang pala ‘yun. Kakayanin ko lahat para sa anak ko. Kung ang ama niya hindi siya kayang mahalin, ako kaya ko. Mahal na mahal ko anak ko. At hinding hindi ko hahayaang saktan siya ng kahit sino. Hindi niya mararamdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Kakayanin ko.. Para sa’yo anak.. Para sa’yo…
- – - – - – - – - – - – - – -
</3