Katahimikan.. Mabibigyan ka nito ng oras para mag-isip.
Ano pwedeng maisip? Marami! Pero karamihan sa maiisip ng tao ay katanungan..
90% tanong, 10% sagot, at sa 90% na katanungang yun, 2% lang ang nasasagot.
May 88% pa na dapat hanapan ng sagot. Ang dami naman……..
Binibigyan ka ng katahimikan ng pagkakataon & oras para hanapin ang mga kasagutan
sa mga tanong at habang unti-unting nahahanap ang mga kasagutan, lalatagan ka ng
katahimikan ng 2 option:
1. Kalimutan ang paghahanap sa mga sagot at gawin ang dating mga ginagawa;
2. Magbago.
Ikaw? Ano pipiliin mo sa dalawa? Ako? Magbago.
Mahirap magbago, oo, pero ‘yun ang mas makakabuti. Sabihin mong madali magbago,
at tatawagin kitang ipokrito. Walang madali sa pagbabago.
Hindi madaling talikuran ang nakasanayan, tama? Ang isang chain smoker,
kapag hindi nakapagyosi kahit isang araw lang, manginginig sila na para bang magkakaroon ng
malalang sakit. Ang alcoholic, pag hindi nabigyan ng isang shot sa isang araw, madaling uminit ang ulo
at nagiging bayolente.
Mahirap magbago. Pero kailangan ‘yun sa tao. Minsan, hinihingi ng pagkakataon ang agarang pagbabago ng isang tao, hindi para mahirapan siya, kundi para mapabuti siya at mga tao sa paligid niya.
At kadalasan, para din ito sa kaligayahan niya.